Free Notes | Amazing Pictures | Photoshop Tutorials | Drafting and Drawing Tutorials | HTML Tutorials for FREE

Wednesday, July 21, 2010

Buwan ng Wika 2010 Theme

Palatuntunan ng mga Gawain
Buwan ng Wikang Pambansa 2010

Agosto 1-7: Wika'y Kailangan sa Pandaigdigang Impormasyon sa Pangangalaga ng Kalikasan

  1. Pagdaraos ng Seminar-Worksyap sa lahat ng mga kinauukulan sa pagtalakay sa pangangalaga ng kalikasan na wikang Filipino ang gamit para sa epektibong talakayan.
  2.  Pagdaraos ng mga diyalog sa pangunguna ng mga opisyal ng paaralan at ng mga baranggay/bayn o lungsod sa pagtutulongan sa pangangalaga ng kalikasan upang maiwasan ang sakunang dulot ng pagkawasak nito, na ang gagaminting wika ay Filipino.
  3. Pagdaraos ng Palatuntunan na ang tema ay nakatuon sa kalikasan.
  4. Ganap na paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensiya.
  5. Pagdaraos ng paligsahan sa pag-aayos ng silid-aralan na naghahatid ng mensahe tungkol sa kalikasan.

Agosto 8-14: Wika'y Instrumento sa Pagpapalaganap ng Kamalayan sa Pagbabago ng Kalikasan

  1. Pakikipanayam sa mga opisyal ng DENR kaugnay ng kanilang programa sa pangangalaga ng kalikasan.
  2. Pagpapalabas ng isang pelikulang dokumentaryo tungkol sa pinsalang hatid ng Climate Change (halimbawa, Bagyong Ondoy).
  3. Pagpapasulat ng pormal o di-pormal (elementarya at sekondarya) na sulatin at sanaysay (kolehiyo) tungkol sa paksa.
  4. Pagtatanghal ng dula-dulaan para sa pangangalaga ng kalikasan.
  5. Paghahanda ng slogan ng may kaugnay sa paksa.

Agosto 15-21: Wika'y Mabisang Susi sa Edukasyong Pangkalikasan

  1. Pagpapatala ng mga katawagang teknikal ng ginagamit sa pangangalaga ng kalikasan.
  2. Pagdaraos ng Patimpalak sa pagguhit na ang tema ay may kaugnayan sa pangangalaga ng Kaliksan.
  3. Pagsasatao ng ugnayan ng wika at kalikasan.
  4. Pagdaraos ng mga talakayan hinggil sa edukasyong pangkalikasan.
  5. Pagdaraos ng debate hinggil sa epekto ng industriyalisasyon sa kalikasan ng wikang Filipino ang gamit na midyum.

Agosto 22-28: Ang Pagpapahalaga sa Wika at Pangangalaga sa Kalikasan ay Pagmamahal sa Inang Bayan

  1. Pagtalakay sa klase sa kahalagahan ng wikang Filipino sa pag-unawa sa pagbabago ng kaliksan.
  2. Pagtuturo sa sambayanang Pilipino tungkol sa pagpapahalaga at pangangalaga ng kalikasan na wikang Filipino ang gamit.
  3. Pagbuo ng awiting Filipino tungkol sa pagpapahalaga at pangangalaga sa kalikasan bilang patunay ng pagmamahal sa bayan.
  4. Pagdaraos ng Patimpalak sa paggawa ng poster na naglalarawan ng Pilipinas noon at ngayon.
  5. Pagtataguyod ng Palatuntunan tungkol sa pagmamahal sa wika at kalikasan.

Agosto 29-31: Wika'y Kalikasan Mahalin at Pangalagaan, Biyaya ng Poong Maykapal sa Inang Bayan
  1. Pagdispley ng mga isnagawang patimpalak sa panahon ng pagdiriwang.
  2. Pagdaraos ng palatuntunan na nagpapakita ng iba't ibang konsepto ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pangangalaga sa wika at kalikasan.
  3. Pag-uulat sa iba't ibang gawaing isinagawa kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2010.


Source:  DepED Memorandum Pangkagawaran Blg. 309, s. 2010

No comments: